Power Couple: Speaker Martin Romualdez at Tingog Party-list Rep Yedda Marie Romualdez kinilala bilang ‘Outstanding Public Servant’

Ang “Outstanding Public Servant Year 2023” ay iginawad ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) sa power couple dahil sa dedikasyon nito sa serbisyo publiko at pagsusulong ng mga polisiya sa kapakanan ng maraming Pilipino.

Kinilala sina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez bilang “Outstanding Public Servant.”

Ang “Outstanding Public Servant Year 2023” ay iginawad ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) sa power couple dahil sa dedikasyon nito sa serbisyo publiko at pagsusulong ng mga polisiya para sa kapakanan ng maraming Pilipino.

“I am profoundly honored and deeply grateful to receive this recognition. It is not just a personal accolade but a testament to the collective efforts and dedication of everyone who has supported and worked alongside me in serving our nation,” saad ni Speaker Romualdez.

Sa kanyang panig, sinabi ni Rep. Romualdez, chairperson ng House Committee on Accounts, ang parangal ay paalala sa kanyang mandato sa taumbayan. “This award serves as a reminder of the responsibilities entrusted to me by the Filipino people, and it motivates me to continue striving for excellence in service,” ayon sa kinatawan ng Leyte 1st district.