Poverty rate, bahagyang bumaba sa gobyernong PBBM, tulong sa mga maralita tuloy-tuloy pa—Romualdez

Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na tuloy-tuloy ang mga inisyatibo ng gobyerno para maiahon sa kahirapan ang mga maralitang Pilipino.

Tiniyak ng House of Representatives, sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez na tuloy-tuloy ay tulong na ipaaabot ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga maralitang Pilipino upang tuluyang maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay.

Ito ay matapos ilabas ng Philippine Statistics Authority ang ulat nito na bumaba na sa 22.4 porsiyento ang poverty rate ng Pilipinas sa unang bahagi ng 2023 kumpara sa 23.7 porsiyente noong nakaraang taon.

Ibig sabihin, halos 900,000 Pilipino na ang naingat ang kanilang sarili kahit papaano mula sa kahirapan.

BASAHIN RIN: Tuloy-tuloy ang tulong: AKAP program para sa maralitang Pilipino, tuloy hanggang 2025–Romualdez

“We are happy for 900,000 of our countrymen whose situation has improved from being poor over the past two years. We will continue to help the more than 25 million get out of poverty through intervention programs from Congress, principally the House where the national budget emanates, should consistently fund,” pagtitiyak ng Speaker.

Ayon sa kaniya, target ng pamahaalan na mapababa sa 10 porsiyento ang poverty rate hanggang sa katapusan ng termino ni Marcos.

“We hope we can reduce poverty to a single-digit rate by the end of the term of President Ferdinand Marcos Jr., as he set out to do when he assumed the presidency,” aniya.

Makututulong sa layuning ito ang mga programa ng pamahalaan gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Assistance to Individuals in Crisis Situation, TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers), at libreng edukasyon sa kolehiyo.

BASAHIN RIN: Walang maiiwan sa gobyerno ni PBBM: Villafuerte, pinuri ang ‘pro-poor, pro-growth’ na national budget