Posas, hindi rosas, para kay ex-PRRD? Pilipinas, bukas sa pagpasok ng ICC basta’t ligal ang proseso—DOJ

Sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na bukas ang pinto ng Pilipinas sa pagpasok ng International Criminal Court (ICC) para imbestigahan si dating pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng crimes against humanity.

Pero giit ni Remulla, legal dapat at nasa tamang proseso ang lahat.

“We’re not here to stop them because if they’re not doing anything illegal, there’s nothing wrong with that,” ani Remulla.

Nahaharap si Duterte sa imbestigasyon ng ICC dahil sa madugong war on drugs nito noong kaniyang termino.

“If they’re getting statements, they’re getting evidence. It’s okay,” giit pa ni Remulla. “But we have to clarify many issues, especially about procedure.”

Matatandaang binawi ng Pilipinas ang pagiging kasapi nito sa ICC nang samphan ng crimes against humanity si Duterte. Gayunpaman, naninindigan ang ICC na may hurisdiksiyon pa rin ito dahil miyembro ang Pilipinas mula 2011.