Pope Francis pumili na ng bagong arsobispo ng Caceres

Nakapagtalaga na si Pope Francis ng bagong arsobispo ng Caceres.

Nakapagtalaga na si Pope Francis ng bagong arsobispo ng Caceres.

Ito ay si Bishop Rex Andre Alarcon, na nagsilbing obispo sa Daet, Camarines Norte, kung saan siya ipinanganak at lumaki.

Papalitan ni Alarcon si Archbishop Rolando Tirona, na nagretiro na sa edad na 77.

Lampas isang dekada rin pinamunuan ni Tirona ang mga katoliko sa Naga, na kinukonsiderang religious center ng Bico region.

Samantala, si Alarcon naman ay nagtapos ng high school sa Holy Rosary Minor Seminary sa Naga, at nag-aral ng theology sa University of Santo Tomas Central Seminary.

Nagsilbi rin siya bilang presidente ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP).

Bilang parte naman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kasalukuyan siyang nakaupo bilang chairman ng Episcopal Commission on Youth.