Pope Francis pinuri kontribusyon ng mga Pinoy sa simbahan

Nagpaabot ng pagbati si Pope Francis kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa mga katolikong Pilipino sa pagbisita ni Vatican Secretary Paul Gallagher sa bansa.

Nagpaabot ng pagbati si Pope Francis kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa mga katolikong Pilipino sa pagbisita ni Vatican Secretary Paul Gallagher sa bansa.

Kasalukuyang nasa five-day visit si Galllagher, na siyang Vatican Secretary for Relations and States and International Organizations Archibishop, sa Pilipinas.

“The Holy Father is sending you his greetings, Your Excellency. As most attached to the Filipino people [and] to the church in the Philippines,” sabi ni Gallagher kay Marcos sa kanyang courtesy visit sa Malacañang nitong Hulyo 2.

Dagdag niya, hinahangaan ng Santo Papa ang pananampalataya ng mga Pilipino at ang mga kontribusyon nito sa simbahang katoliko na kanilang pinapakita hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong mundo.

“I’m delighted it’s been possible to make this visit. It’s long overdue, in fact. But hopefully contacts will be renewed and continued. It’s a very thriving relationship, I think,” aniya.

Huling nakabisita si Pope Francis sa bansa noong 2015.

Nagpasalamat naman si Marcos sa papuri ng Santo Papa at binigyang diin ang magandang relasyon ng dalawang bansa sa loob ng 73 taon.