Pope Francis, pinangalanan bagong bishop ng Virac

Itinalaga ni Pope Francis si Fr. Luisito Occiano ng Archdiocese of Caceres bilang bagong obispo ng Diocese of Virac sa Catanduanes.

Itinalaga ni Pope Francis si Fr. Luisito Occiano ng Archdiocese of Caceres bilang bagong obispo ng Diocese of Virac sa Catanduanes.

Isinapubliko ng Vatican ang anunsyo nitong February 29.

Si Occiano ang hahalili sa 76 na taong na si Bishop Manolo delos Santos na nanilbihan sa Virac sa loob ng tatlong dekada mula 1994.

Ang 52-taong gulang na bishop elect ay kasalukuyang rector at parish priest ng Archdiocesan Shrine and Parish of St. Joseph sa San Jose, Camarines Sur. Kasalukuyang niya ring pinamunuan ang Commission on Communication ng Caceres.