Pope Francis itinalaga paring Pinoy bilang California bishop

Isang Pinoy priest ang itinalaga ni Pope Francis para maging auxiliary bishop sa Diocese ng Sacramento, California.

Isang Pinoy priest ang itinalaga ni Pope Francis para maging auxiliary bishop sa Diocese ng Sacramento, California.

Ito ay si Father Reynaldo Bersabal, ang parish priest ng Saint Francis of Assisi sa Sacaramento.

“The Holy Father has appointed the Reverend Reynaldo Bersabal, of the clergy of the diocese of Sacramento, United States of America, until now parish priest of Saint Francis of Assisi in Sacramento, as auxiliary bishop of the same diocese, assigning him the titular see of Balecio,” ayon sa anunsyo ng Holy See.

Si Bersabal ay tubong Magsaysay, Misamis Orienta.

Naging pari ito noong 1991 kung saan nagsilbi siya sa Diocese sa Sacramento mula pa noong 2004.