Pondo para sa P3-B fuel subsidy program para sa mga tsuper, operator, aprubado ng DBM

Ipinagutos na ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas ng P3-bilyong fuel subsidy para sa mga tsuper at operator ng pampublikong sasakyan.

Inaprubahan na Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng P3-bilyong pondo para sa Fuel Subsidy Program para sa mga tsuper at mga operator ng pampublikong sasakyan.

Sa isang pahayag, sinabi ng kagawaran na pinirmahan na ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang kautusan para pondohan ang fuel subsidy ng tinatayang 1.36 milyong tsuper at operator na lubhang apektado ng pagtaas ng presyo ng gasolina at krudo.

Paliwanag ng kagawaran, itinakda sa pambansang budget ngayong taon ang pamamahagi ng fuel subsidy sa ilalim ng mga special provision na nakalagay sa budget ng Department of Transportation (DOTR).

Dagdag pa ng DBM, mapapaaga sana ang pag-release ng pondo kung kumpleto lamang ang mga dokumento nang isumite ito sa kagawaran noong nakalipas na buwan.

“It may be noted that the DOTr’s request dated 9 August 2023 was returned by the DBM on 17 August 2023, due to the noted deficiencies and inconsistencies in the accompanying supporting documents, including the non-submission of the guidelines to be issued by the DOTr, the Department of Energy (DOE), and the DBM, which is required under SP No. 7 in the FY 2023 DOTr-Office of the Secretary (DOTr-OSEC) Budget,” the agency said.

“Hence, on 4 September 2023 (Monday), the DBM received the hard copy of the officially-resubmitted request from the DOTr accompanied by the required supporting documents, including a copy of the FSP guidelines dated 31 August 2023, duly-signed by the respective Heads of the DOTr, DBM, DOE, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), and Landbank of the Philippines (LBP),” it added.

Depende sa uri ng sasakyan ang halaga na matatanggap ng mga kwalipikadong tsuper at operator:

Modernized Public Utility Jeepney (MPUJ): P10,000
Modernized Utility Vehicle Express (MUVE): P10,000
Traditional PUJ: P6,500
Traditional UVE: P6,500
Public Utility Buses (PUB): P6,500
Minibuses: P6,500
Taxis: P6,500
Shuttle Services Taxis: P6,500
Transport Network Vehicle Services: P6,500
Tourist Transport Services: P6,500
School Transport Services: P6,500
Filcabs: P6,500
Tricycles: P1,000
Delivery Services: P1,200