Pondo ng 4Ps, tinaasan ngayong 2024

Inaasahang aabot sa 4.4 milyong pamilya ang makikinabang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ngayong taon matapos taasan ang pondo para sa nasabing programa.

Inaasahang aabot sa 4.4 milyong pamilya ang makikinabang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ngayong taon matapos taasan ang pondo para sa nasabing programa.

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), naglaan ang pamahalaan ng P106.335 bilyon para sa 4Ps ngayong taon, mas mataas kumpara sa P102.610 bilyon noong 2023.

Kaya naman, pinagmalaki ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na mas maraming matutulungan ang programa ngayong taon.

“This significant funding will greatly benefit millions of our kababayans who are in dire need. As directed by President Ferdinand R. Marcos, Jr., we will ensure that 4Ps under the Bagong Pilipinas will be provided with needed funding support as this program serves as a lifeline that bridges dreams to reality for many Filipinos,” wika ng kalihim.

Ang mga pamilyang benepisyaryo ng 4Ps ay tumatanggap kada buwan ng P750 para sa health subsidy at P600 para sa rice subsidy.

Halos 7 milyong mag-aaral din ang sakop ng programa, na tumatanggap ng mula P300 hanggang P700 na educational subsidy kada buwan.