Politika kaya ang dahilan? 3 patay, 1 sugatan sa pamamaril ng barangay hall sa Meycauayan

Ayon sa Meycauayan Police, rumoronda sila ng makarinig ng putukan, kaya rumispunde agad sila. Nakipagpalitan rin ng putok ang mga rumispundeng pulis, ayon kay Capt. Jocel Calvario, chief of operations ng Meycauayan Police Station.

Pinagbabaril ng dalawang armadong kalalakihan ang barangay hall ng Barangay Bahay Pare sa Meycauayan, Bulacan nitong Sabado ng gabi, Enero 20.

Patay sa pamamaril ang barangay tanod na nagbabantay sa barangay hall, samantalang napatay naman ng mga nagrorondang pulis ang isa sa dalawang suspek kahit pa nagtangka itong tumakas sakay ang motorsiklo.

Ayon sa Meycauayan Police, rumoronda sila ng makarinig ng putukan, kaya rumispunde agad sila. Nakipagpalitan rin ng putok ang mga rumispundeng pulis, ayon kay Capt. Jocel Calvario, chief of operations ng Meycauayan Police Station.

“Palabas ng barangay at pinuputukan pa ‘yung barangay hall. Noong paalis na sila, nagkita na kami so gumanti na kami ng putok,” kwento niya. “Wala kaming magagawa kundi gumanti. Kahit sino naman kapag sasaktan ka, sa ganoong sitwasyon wala kaming magagawa kundi pumutok,” dagdag niya.

Sa kasamaang palad pa, walang nahagip na kahit ano ang CCTV ng barangay dahil inaayos pa raw ito nang mangyari ang insidente.

Kasalukuyan na ring iniimbestigahan ng Meycauayan Police ang pamamaril.