Police General sinuka babaeng nagpakilalang pamangkin niya

Supalpal ang babaeng motorista na dumaan sa EDSA busway noong Huwebes, matapos siyang itanggi ng police general na sinangkalan niya sa insidente.

Supalpal ang babaeng motorista na dumaan sa EDSA busway noong Huwebes, matapos siyang itanggi ng police general na sinangkalan niya sa insidente.

Ang babaeng nahuli sa busway ay nagpakilalang sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na may ranggo raw na major.

Bukod pa rito, sinabi niyang pamangkin siya ni Police Major General Mario Reyes.

Itinanggi naman ni Reyes na kaanak niya ang pasaway na motorista.

“I want to make it clear that this person who introduced herself as Major Miguel of the AFP is not a relative by blood nor by affinity. I never met her in any capacity,” pahayag ni Reyes.

“Any attempt to exploit the name or reputation of a law enforcement officer for personal gain or to avoid accountability is utterly unacceptable and undermines the integrity of our organization,” dagdag pa niya.

Sa naturang insidente, ibinida pa ng babaeng motorista na siya ay isang Fil-Am na kabilang sa mga nagaasikaso sa Balikatan Exercises. Hindi rin niya ibinigay ang kanyang lisensya sa mga sumita sa kanya.