Pokus lang kasi sa trabaho, hindi sa patutsyada! Priority bills, aprubado na ng Kamara; aksyon na lang ng Senado ang kailangan—Romualdez

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ginagawa ng masinsinan ng Kamara ang trabaho nito sa paggawa ng batas. Kaya naman hinimok niya ang Senado na talakayin na ang mga naaprubahang panukala kesa unahin ang mga patutsada nito sa Kamara.

Inanunsyo ni House Speaker Martin Romualdez nitong Biyernes, Enero 26, na aprubado na ng House of Representatives ang lahat ng panukalang batas na itinalagang prayoridad sa ilalim ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) at sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Hunyo 2023.

“Kumbaga, wala kaming back subjects, hinihintay na lang natin ‘yung mga kaibigan natin sa Senado kung kailan nila tatapusin,” sabi ni Romualdez sa isang press briefing.

Kanya naman hinimok niya ang Senado na talakayin na ang mga naaprubahang panukala kesa unahin ang mga patutsada nito sa Kamara.

“Let’s focus on our work, get down to work, buckle down. There’s just 24 of you. Get your act together, focus on your work. And stop hitting on Congress and maintain parliamentary courtesy,” giit ng Speaker.

Sa kasalukuyan, limang panukalang batas sa ilalim ng LEDAC ang naisabatas na, samantalang tatlo pa—New Philippine Passport Act, Salt Industry Development Act, at Magna Carta of Filipino Seafarers—ang nakatakda nang ipadala kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.