Poe sa mga water supplier: Tubig siguruhing 24/7 na available

Nanawagan si Senadora Grace Poe sa mga water concessionaire na siguruhing magiging sapat ang supply ng tubig ngayong tag-init.

Nanawagan si Senadora Grace Poe sa mga water concessionaire na siguruhing magiging sapat ang supply ng tubig ngayong tag-init.

Ayon kay Poe, mahalaga para sa kalusugan ang tubig lalo pa’t summer season.

“The heat is on, water is on high demand, and without it, our health is at risk. Water providers must ensure an uninterrupted, 24/7 supply,” saad ni Poe.

Lahad pa ng mambabatas, dapat na makipag-ugnayan ang mga water firm sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS)at National Water Resources Board (NWRB) para hindi magkaroon ng water interruption.

“Kung walang tubig sa gripo dahil sa water interruption, ang iba sa atin walang magagamit na tubig kahit sa inumin,” wika pa ni Poe.