Poe nais panagutin China sa disgrasya sa Ayungin Shoal

Dapat umanong managot ng China sa kanilang pambobomba ng water cannon sa sasakyang pandagat ng Pilipinas lalo't tatlong sundalo ng Philippine Navy ang nasaktan, ayon kay Senadora Grace Poe.

Dapat umanong managot ng China sa kanilang pambobomba ng water cannon sa sasakyang pandagat ng Pilipinas lalo’t tatlong sundalo ng Philippine Navy ang nasaktan, ayon kay Senadora Grace Poe.

Sa isang press release, mariing kinondena ni Poe ang pambobomba ng China ng water cannon noong Sabado.

“This uncivilized action should stop. We must hold the Chinese vessel responsible for the injury inflicted on our troops,” saad ni Poe.

“From shadowing our vessels to collisions and water cannon assaults, incidents in the West Philippine Sea have been escalating,” dagdag pa ng senadora. “China’s actions appear geared to heighten the already tensed situation.”

“While the Philippines continues to deal with the attacks in legal, legitimate and calm manner, we must also seek accountability,” wika pa niya.

Ang pambobomba ng water cannon ay naganap sa gitna ng resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal. Ngayong Martes ay nag-viral din ang isang video kung saan nakunan kung gaano kalakas ang water cannon na pinatama ng China sa bangka ng Pilipinas.