PNP walang nakikitang security threat sa SONA 2024

Walang nakikitang security threat ang Philippine National Police sa nalalapit na ikatlong State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 22.

Walang nakikitang security threat ang Philippine National Police sa nalalapit na ikatlong State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 22.

Pinatututukan rin ng PNP Chief sa mga pulis na magbabantay sa SONA ang lagay ng trapiko.

Ito’y para maiwasan ang “inconvenience” ng mga tao sa dami ng deployment ng mga pulis.

“‘Yung SONA natin, we don’t receive any threat but remember, sa sobrang security natin minsan maraming nagagalit because of the inconvenience sa traffic. ‘Yun ang pinag-aaralan natin sana para after ng SONA hindi po mahirapan ‘yung tao going home.” ayon kay Marbil.

Liban dito ipatutupad rin ng pulisya ang maximum tolerance sa mga grupong sasabayan ng kilos-protesta ang SONA.

Nais nilang mairaos ng maayos ang SONA nang walang gusot sa pagitan ng mga pulis at militante.

“The same, maximum tolerance. There is nothing to worry about, there is no problem, but what I said is they can go on with their protests but make sure they don’t cause inconvenience,” dagdag nito.

Mananatili pa rin sa 22 thousand ang bilang ng mga pulis na ipakakalat sa iba’t – ibang places of convergence, at ang mayorya sa kanila ay ipo-posisyon sa paligid ng Batasang Pambansa.