PNP: Walang banta sa buhay ni Quiboloy

Pumalag ang Philippine National Police sa alegasyon ni Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy na gusto umano siyang ipaligpit ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Pumalag ang Philippine National Police sa alegasyon ni Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy na gusto umano siyang ipaligpit ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Ayon kay PNP spokesperson Colonel Jean Fajardo, walang basehan ang pahayag ni Quiboloy tungkol sa ‘rendition’ o ang pagsuplong ng kriminal ng isang bansa sa isa pang foreign country.

Lahad ng PNP, kung mayroon mang banta sa buhay ni Quiboloy ay handa ang PNP na magbigay seguridad sa kanya.

“With respect to the threat against his life, if Pastor Quiboloy has a basis for saying that, as always, not only limited to him, all people, whether it’s a government official or ordinary citizen na may natatanggap pong banta sa kanyang buhay, the PNP is ready to provide appropriate security if there is a request for one,” lahad ni Fajardo.

Matatandaan na sa isang uploaded audio recording, sinabi ni Quiboloy na matagal na niyang hinihintay na i-extradite siya ng America dahil sa mga kaso laban sa kanya patungkol sa human rights abuses.

Ngunit may mga sources umanong nakapagsabi sa kanya na gusto siyang patahimikin ng America at nakikipagtulungan umano ang naturang bansa sa gobyerno ng Pilipinas.