PNP sinuspinde regulasyon sa ‘visible tattoo’

Hindi muna ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang regulasyon sa pagkakaroon ng "visible tattoo" sa kanilang mga opisyal at aplikante.

Hindi muna ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang regulasyon sa pagkakaroon ng “visible tattoo” sa kanilang mga opisyal at aplikante.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, inatasan na ni chief Gen. Rommel Francsico Marbil ang Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) na suriin ang memorandum na nag-uutos sa mga opisyal at aplikante, na mayroong visible tattoos, na tanggalin ito.

“Nagsalita rin ‘yung ating Chief PNP si Gen. Marbil at sinabi niya sa ating mga concerned directorate, particularly ‘yung DPRM, na muling pag-aaralan itong circular na ito dahil na-ipasa ito during the time ng former PNP chief Benjamin Acorda Jr.,” ani Fajardo.

Kamakailan ay sinabi ni Fajardo na ang mga pulis na mayroong tattoo ay kinakailangang maghanda ng isang affidavit, na nagpapahayag na hindi ito makikita.

Hindi naman saklaw nito ang mga aesthetic tattoo, tulad ng sa kilay, eyeliner o labi.