PNP siniguro kaligtasan ni Quiboloy kapag sumuko

Ligtas si Pastor Apollo Quiboloy sa oras na sumuko ito sa awtoridad, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ligtas si Pastor Apollo Quiboloy sa oras na sumuko ito sa awtoridad, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Saad ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, handa ang kapulisan na poportektahan nila ang Kingdom of Jesus Christ founder kapag hinarap na nito ang mga kasong sinampa sa kanya.

“We want to assure Pastor Quiboloy, his supporters, and lawyers that we will protect him should he decide to surrender and submit himself to the jurisdiction of the court,” ayon kay Fajardo.

Matatandaan na naglabas na ng arrest warrant ang Davao regional trial court para sa kasong child abuse laban kay Quiboloy.

May mga sinampara ring kaso laban kay Quiboloy sa USA, kung saan kasama na siya sa wanted list ng Federal Bureau of Investigation (FBI).

Ayon naman sa PNP, walang alam ang kapulisan hinggil sa paratang ni Quiboloy na nagtutulong umano ang Pilipinas at Amerika para siya’y ipapatay.

“Wala po tayong alam sa sinasabi ni Pastor Quiboloy at kanyang kasamahan na meron pong plano ang gobyerno ang US at Pilipinas na siya ay saktan or gamitan ng dahas, ayon kay Fajardo.