PNP sa supporter ni Quiboloy: Pasukuin pastor niyo!

Hiniling ng Philippine National Police (PNP) sa mga taga-supporta ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy na pakiusapan nilang sumuko na ito.

Hiniling ng Philippine National Police (PNP) sa mga taga-supporta ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy na pakiusapan nilang sumuko na ito.

Ito ay matapos ilabas ng Davao City Regional Trial Court nitong Miyerkoles ang dalawang warrant of arrest laban sa pastor sa kasong kasong child abuse at sexual abuse.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, maging mahinahon lang umano si Quiboloy sa pagsuko at sisiguruhin ng kapulisan ang pagrespeto sa karapatang pantao nito.

“Ang pakiusap natin sa mga supporters at mga kaibigan ni pastor ay sana po ay tulungan nya kami na makiusap kay pastor na harapin na lamang nya ang kaso nya na ito at maging mahinahon sa magiging proseso ng kanyang pagsuko… respetuhin po natin ang judicial process,” wika ni Fajardo.

“And on the part of PNP ay sisiguruhin po natin rerespetuhin natin ang karapatang pantao ni pastor,” dagdag pa niya.

Samantala, sumuko na ang mga kasabwat ng pastor, kung saan tatlo sa kanila ay nagpiyansa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Nagsasagawa na rin ng manhunt para kay Quiboloy ang tracker team ng Davao police, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), at National Bureau of Investigation (NBI).