PNP sa Quiboloy supporters: Hayaan pulisya na gampanan kanilang tungkulin!

Nakiusap si Philippine National Police (PNP) spokesperson Col. Jean Fajardo sa mga tagasuporta ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy na hayaan ang pulisya na gampanan ang kanilang tungkulin bilang tagapagpatupad ng batas.

Nitong Lunes kasi ay nakatakda sanang maghain ng warrant of arrest ang Philippine National Police (PNP) sa KOJC headquarters sa Davao City, subalit hinarangan sila ng mga tagasuporta ng Pastor.

“So ang pakiusap natin ay maging mahinahon tayong lahat. Ang inyong kapulisan ay nandoon for the official discharge of their duties. Walang anumang hangarin ang ating kapulisan na magkaroon ng anumang sakitan at anumang pagkakagulo,” ani Fajardo.

Samantala, sinuyod ng mga pulis ang limang ari-arian ni Quiboloy sa Davao simula madaling araw ngayong Lunes, sa pag-asang mahanap siya at ang lima niyang mga kasamahan.

Sa ngayon, wala pang natatanggap ang mga awtoridad na updates tungkol sa resulta ng paghahanap kay Quiboloy.