PNP sa mga pulis: Sa presinto magpaliwanag, hindi sa social media

Pinaalala ng liderato ng PNP sa mga miyembro nito na huwag mag-rant sa social media kung may mga reklamo ito. Bagkus, dapat silang tumugon sa mga appropriate committees upang magreklamo.

Pinaalalahanan ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office chief Col. Jean Fajardo ang mga miyembro ng pambansang kapulisan na kesa mag-post o mag-rant sa social media ay dumulong na lamang sa tamang opisina upang magkahain ng kanilang mga reklamo.

Nagpaalala si Fajardo matapos mag-rant ang isang pulis sa Facebook tungkol sa pagkaka-reassign ng kanyang asawa sa Mindanao.

Ang nasabing police officer, na isang senior staff sergeant sa National Capital Region Police Office, ay may mga nasabing hindi kanais-nais sa kaniyang post sa Facebook, ayon kay Fajardo.

Aniya, may mga grievance committee naman ang PNP, at dito dapat ipinipresinta ang mga reklamo, hindi sa social media dahil panget umano ito sa imahe ng pambansang kapulisan.