PNP reresbak para arestuhin si Quiboloy – Hontiveros

Tutulungan umano ng Philippine National Police (PNP) ang Office of the Senate Sergeant-at-Arms (OSAA) sa paghuli kay Pastor Apollo Quiboloy kung hindi pa rin nito sasagutin ang show cause order na inihain ng Senado.

Ayon kay Senadora Risa Hontiveros, hanggang Biyernes, Marso 15, ang palugit ng Senado para sa tugon ni Quiboloy hinggil sa order.

Aniya, kung iisnabin pa rin ng pastor ang order ng Senado ay ipaaaresto na nila ito. At sakaling hindi umano nila mahanap si Quiboloy, maaari silang humingi ng tulong sa PNP.

“I believe lalo na sa ganitong later stage ng posibleng aresto na kung ‘di mahanap ng Senate… puwedeng tumulong ang PNP,” saad ni Hontiveros.

Tatlong pagdinig ng Senado ang hindi sinipot ni Quiboloy. Nanindigan ang pastor na haharap lamang siya sa pagdinig kung gagawin ito sa korte.

Bukod sa Senado, pinapatawag din ng Kamara si Quiboloy hinggil sa kasong lumabag sa kontrata ang Sonshing Media Network International.