PNP reorganization, binasura ni PBBM

Vineto ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang panukalang batas na magpapatupad ng reorganizational reforms sa Philippine National Police (PNP).

Vineto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang batas na magpapatupad ng reorganizational reforms sa Philippine National Police (PNP).

Sa veto message, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi niya maaprubahan ang Senate Bill No. 2449 / House Bill No. 8327 o An Act Providing For Organizational Reforms In The Philippine National Police,

Tinukoy din ni Pangulong Marcos ang panukalang salary grade 21 sa mga Philippine National Police Academy (PNPA) Cadets na mas mataas sa entry level ng mga sundalo.

Paliwanag pa ni Pangulong Marcos, hindi akma ang panukalang batas sa National Government Rightsizing Program.

Magiging redundant o doble ang functions ng PNP dahil sa ilalim ng panukalang batas, nais nitong gawing institutionalize ang Directorial Staffs, Area Police Commands (APCs), Special Offices, and Support Units na magkakapare pareho din lang naman ang trabaho..

Nangangamba si Pangulong Marcos na magbubunga lamang ito ng in bureaucratic inefficiencies dahil lolobo lamang ang mga posisyon at da dami ang staff.