PNP, puntiryang tugunan ang dumaraming cybercrime sa bansa

Nangako si PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na mas pag-iigtingin ng kapulisan ang pagtugon sa dumaraming kaso ng cybercrime sa bansa.

Layon ng Philippine National Police (PNP) na mas pag-igtingin pa ang pagbabantay nito laban sa cybercrime sa kabila na dumaraming kaso nito sa bansa.

Kaugnay nito, inatasan n ani PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang lahat ng regional offices ng PNP na palakasin ang kanilang mga kampanya laban sa cybercrime.

Una nang naiulat na may hahigit 16,000 cybercrime cases nang naitala ang PNP Anti-Cybercrime Group, na siya namang ikinababahala ni Acorda.

“That’s why one of our instructions is really to dissect further these crime statistics on cyber and one of the solutions we are looking at because as of now, we only have the ACG (Anti-Cybercrime Group). We are also adopting a best practice of the National Capital Region Police Office where we are capacitating their investigation on cybercrimes,” pahayag ni Acorda sa isang press briefing sa Camp Crame.

Una nang tinatag ng PNP ang mga anti-cybercrime desk sa mga istasyon ng pulis upang mas matugunan ng kapulisan ang mga cybercrime.