PNP, pinaghahanap ang ‘person of interest’ sa pagpatay sa Siruma, Camarines Sur

May tinututukan ng ‘person of interest’ ang pulisya ng Siruma, Cmamarines Sur kaugnay ng pamamaril at pagpatay sa isang 50-anyos na lalaki sa Zone 3, Barangay Sulpa ng naturang bayan.

Pasado alas-2:00 ng hapon nitong Huwebes, September 14, 2023 nang matagpuan ng isang naglalako ng mais ang nakahandusay at duguang si Danilo Manimba.