PNP paiigtingin ‘manhunt operation’ vs Quiboloy

Patuloy ang Philippine National Police (PNP) sa pagpapaigting ng kanilang isinasagawang manhunt operation laban kay Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy.

Patuloy ang Philippine National Police (PNP) sa pagpapaigting ng kanilang isinasagawang manhunt operation laban kay Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy.

Pinaghahanap din ng PNP ang kasabwat ni Quiboloy, na nahaharap din sa ilang sexual charges.

Ayon kay Police Colonel Jean Fajardo, mas pinalawak na ng pulisya ang kanilang paghahanap sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kinukumpirma rin ng awtoridad ang kanilang natatanggap na impormasyon ukol sa kinaroroonan ng Pastor.

“Sa ngayon po ay hindi na lamang po limited sa Davao Region iyong ginagawa po nating paghahanap. Even dito sa Metro Manila and other areas are also [covered],” pahayag nu Fajardo sa isang conference.

“Information are also being validated to confirm the possible location of not only Pastor Quiboloy, but with other accused as well,” dagdag pa nito.

Samantala, sinabi naman ng Department of Justice (DOJ) na hindi pa nakalalabas ng bansa si Quiboloy.