PNP, pag-iigtingin pa ang kampanya kontra kriminalidad matapos mahirang na ikatlong pinakaligtas na bansa sa Southeast Asia

Ayon sa 2023 Global Law and Order Report ng Gallup, ikatlong pinakaligtas na bansa sa Southeast Asia ang Pilipinas, na may index score na 86. Nanguna sa listahan ang Vietnam, sa iskor nitong 92, habang pangalawa ang Indonesia na may iskor na 90.

Nangako si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na mas pagbubutihan pang lalo ng Pambansang Kapulisan ang pagtupad sa mandato nito matapos makasama sa listahan ng pinakaligtas na bansa sa isang pandaigdigang ulat ng isang kilalang research firm.

Ayon sa 2023 Global Law and Order Report ng Gallup, ikatlong pinakaligtas na bansa sa Southeast Asia ang Pilipinas, na may index score na 86. Nanguna sa listahan ang Vietnam, sa iskor nitong 92, habang pangalawa ang Indonesia na may iskor na 90.

“We are honored and humbled by the trust placed in us by the Filipino people. The PNP remains steadfast in our commitment to serve and protect. This report serves as a guiding beacon for us to continue our mission of ensuring the well-being of our communities,” ani Acorda sa isang pahayag matapos niyang pangunahan ang pagkilala sa mga bagong promote na opisyal ng PNP nitong Biyernes, Enero 12.

Ayon pa kay Acorda, malaki ang maitutulong ng Gallup report upang makumbinsi ang mga banyaga na mamuhunan sa bansa.

“This is something kasi kapag sinabing safe ang lugar malamang it adds up to the considerations ng ating mga investors and sa part ng turista napupunta sa isang lugar. We know very well that these yung investors and yung mga turista play a big role in the boost of the economy,” aniya.

Sa kabuuan ay ika-33 ang Pilipinas sa 160 na bansa sa 2023 Global Law and Order Report ng Gallup.