PNP nilinaw: Regulasyon sa tattoo hindi pangdidiskrimina

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na ang kanilang ptakaran sa pagkakaroon ng "visible tattoo" ay hindi isang uri ng diskriminasyon sa mga taong mayroong tattoo.

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na ang kanilang ptakaran sa pagkakaroon ng “visible tattoo” ay hindi isang uri ng diskriminasyon sa mga taong mayroong tattoo.

Sinabi ng PNP na ito ay isang regulasyon lamang na dapat sundin ng mga miyembro ng pulisya.

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, ang naturang regulasyon ay naipatupad na mula pa noong unang naitatag ang PNP.

Nirerespeto rin umano ng PNP ang opinyon ng publiko hinggil sa bagay na iyon.

“However, wala pong policy kapag nakapasok ka na po sa serbisyo ay pwede na pong magpa-tatoo. So, last year po ay nagkaroon po ng technical working group at nagkaroon po ng consultation kung iri-regulate po ba iyong paglalagay po ng tattoo sa ating mga kapulisan,” ani Fajardo sa isang press conference nitong Sabado.

“This is not, in any way, to discriminate iyon pong mga ibang tao po na mayroon pong tattoo. We will be in agreement doon sa mga nagsasabing iyong paglalagay po ng tattoo is a form of self-expression and freedom of expression,” dagdag nito.

Samantala, awtorisado naman umano ang pagkakaroon ng “aesthetic tattoo” gaya ng nasa kilay, eyeliner, at labi.