PNP nilantad talamak na bakasyon scam

Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na mag-ingat sa mga namemeke ng vacation at travel package lalo't sumapit na ang panahon ng tag-init.

Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na mag-ingat sa mga namemeke ng vacation at travel package lalo’t sumapit na ang panahon ng tag-init.

“We would like to take this opportunity to warn and remind our public na mag-ingat po. Especially, kung ang kapalit agad noon is magpapadala kayo ng pera with you not knowing kung sino ang mga ‘yun,” pahayag ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo sa isang press conference ngayong Biyernes.

“Sa mga travel agencies, meron naman po, puwede po nilang alamin po iyan kung sino ang authorized na travel agency na talagang may authority para magbigay ng promos with respect sa vacation and travel packages,” dagdag pa niya.

Sa tala umano ng PNP Anti-Cybercrime Group ay umabot na sa 35 ang naitalang kaso ng pekeng travel package ngayong taon. Mula 2021, 478 na ang naloko ng mga nagkukunwaring travel agency.

Nagbigay rin ng tip si Fajardo kung paano malalaman kung scammer ba ang kausap na travel coordinator.

“If it’s too good to be true, then probably it’s not true,” wika pa ni Fajardo.