PNP naghahanda na para sa EDSA anniversary; 8.5K pulis, ipapakalat

Nasa 8,500 na mga pulis ang ipapakalat ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa sa ika-38 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa Linggo.

Nasa 8,500 na mga pulis ang ipapakalat ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa sa ika-38 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa Linggo.

Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., 2,500 police personnel ang ide-deploy sa Cebu habang mayroon ding inihahandang nasa humigit-kumulang 6,000 na kapulisan sa Metro Manila.

Nilinaw naman ni Acorda na posible pa ring magbago ang bilang ng pulis na ide-deploy para sa EDSA anniversary.

Nakadepende aniya ito sa magiging intelligence report na makakalap ng pulisya.

Pinaalalahan din ni Acorda ang mga pulis na madedeploy na magpatupad ng maximum tolerance lalung-lalo na sa mga makikiisa sa mga kilos protesta at demonstrasyon.