PNP kinumpirmang may mga armas si Quiboloy!

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na nagmamay-ari ng ilang baril si Pastor Apollo Quiboloy.

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na nagmamay-ari ng ilang baril si Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, 19 na baril ang nakapangalan kay Quiboloy. Isa lamang sa mga ito ang expired ang lisensya.

Kaya naman, pag-aaralan umano ng Firearms and Explosives Office (FEO) ng PNP kung susupendihin nila ang lisensya ng mga armas ng pastor.

“Yung pagsu-suspend po ng permits at license to own and possess firearms ay pinag-aaralan na po ng Firearms and Explosives Office,” saad ni Fajardo.

“In this particular case po, I understand, ang kaso ni Pastor Quiboloy is not related to any use of firearms. But nonetheless, itatanong po natin yan sa FEO kung iyo po bang pagsasampa ng kaso sa kanya for child abuse will be sufficient ground for the possible revocation and cancellation of his license,” paliwanag pa niya.

Bukod pa rito, hindi pa umano maituturing na ‘armed and dangerous’ si Quiboloy dahil hindi pa napabalita na naging bayolente ito o nag-operate ng isang armadong grupo.

Matatandaang sa isa sa mga pagdinig na isinagawa ng Senado ay may lumutang na testigo na nasabing si binigyan ni Quiboloy ng mga armas sina ex-president Rodrigo Duterte at Bise Presidente Sara Duterte.