PNP itinanggi tangkang pabagsakin Marcos admin

Pinasinungalingan ng Philippine National Police (PNP) ang naiulat na nilulutong destabilization plot laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Pinasinungalingan ng Philippine National Police (PNP) ang naiulat na nilulutong destabilization plot laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Si ex-senator Antonio Trillanes IV ang nagbuking na may ilang matataas na opisyal ng PNP ang nagnanais pabagsakin ang administrasyon.

“First, we do not know where former senator Antonio Trillanes IV sourced his remarks but on the part of the PNP, we spoke with the chief PNP (Gen. Rommel Francisco Marbil) regarding that issue earlier, and even our intelligence units here in the PNP, we have not monitored any police officer who is involved in this so-called destabilization plot and we have not monitored any destabilization plot for that matter,” saad ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo.

Wika pa ni Fajardo, sakali mang may pinaplano ang ilang bahagi ng kapulisan na mag-aklas ay hindi ito maitatago sa kanila.

“Ang pakiusap natin kay kagalang galang na dating senator Trillanes, please spare the PNP dito sa mga issue na ito at naka-focus tayo sa pagtupad ng ating mandato,” dagdag pa niya.

Nilinaw rin ni Fajardo na madalas magpa-alala si Marbil sa mga pulis na manatiling walang pinapanigan pagdating sa politika.