PNP inatasan ni PBBM na palakasin ang Anti-Cybercrime system

Nakapaloob sa kautusan ni Pangulong Marcos na palakasin ng PNP ang cybersecurity systems nito at magkaroon ng ibayong pagsasanay sa personnel bukod sa pagpapabuti ng kanilang teknolohiya.

Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang Philippine National Police (PNP) na palakasin ang paglaban sa cybercrime.

Ginawa ng Pangulo ang kautusan sa gitna ng pagtaas ng kaso ng cyber identity theft na umabot sa 1,597 noong 2023 mula sa 1,402 noong 2022 base na rin sa datos ng PNP-Anti-Cybercrime Group.

Nakapaloob sa kautusan ni Pangulong Marcos na palakasin ng PNP ang cybersecurity systems nito at magkaroon ng ibayong pagsasanay sa personnel bukod sa pagpapabuti ng kanilang teknolohiya.

Sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos may nakitang pangangailangan ang Chief Executive para mapagbuti ang Anti-Cybercrime system ng bansa. “As instructed by our President, we are intensifying, we are capacitating our police officers on the ground especially as of previously, ang ating cybercrime group is only up to the regional level lang,” ani Abalos.