PNP-IAS, pinasisibak ang 9 na pulis na sangkot sa katiwalian

Nirekomenda ng IAS na tanggalin sa serbisyo ang siyam na pulis na sangkot sa mga iligal na gawain.

Pinasisibak sa serbisyo ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang siyam na pulis na sangkot sa dalawang magkaibang kaso: ang pagkamatay ng isang binatilyo sa Rizal at isang insidente ng pagnanakaw sa Cavite.

“Nine PNP police officers assigned in the CALABARZON Region have been recommended for dismissal from the service following two incidents that went viral on social media,” ayon sa pahayag ng PNP-IAS.

“The Internal Affairs Service has conducted an immediate investigation into the two incidents and has now forwarded the recommendation of both cases to PNP disciplinary authorities,” dagdag pa nito.

Nahaharap sa kasong administratibo si Cpl. Gabriel Sabillo matapos pagbabarilin ang isang 15-anyos na binatilyo sa Rodriguez, Rizal.

Pinasisibak naman ang walong pulis sa Cavite matapos ang iligal na pag-aresto, pag-siyasat, at pagnanakaw sa isang diumanong buy-bust operation sa isang retiradong propesor sa kanyang bahay sa Imus noong Agosto.

Natangay sa biktima ang P80,000 halaga ng gamit.