PNP: Chinese national, Pinay timbog dahil diumano sa prostitusyon

Kalaboso ang isang high-end prostitution operation nang maaresto ng mga tauhan ng Southern Police District sina Xiao Ji at Arlene Lapurga Geron, na diumano ay nagpapatakbo nang nasabing operasyon sa Parañaque.

Kalaboso ang isang Chinese national at ang kanyang babaeng kasamahan matapos silang arestuhin ng mga ahente ng Southern Police District (SPD) dahil umano sa pinatatakbo nilang prostitution ring sa Parañaque City.

Batay sa isang news release nitong Linggo, Setyembre 17, kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez ang Chinese national bilang si Xiao Ji habang ang kanyang kasamahan naman ay ang 48-anyos na Filipina na si Arlene Lapurga Geron. Nakapuslit naman ang isa pa nilang kasamahan, na kinilala ni Nartatez na si Lin Wei, isa ring Chinese national.

Naaresto ng mga ahente ng SPD sina Ji at Geron sa SoleMare Parksuites sa Barangay Tambo noong Sabado, Setyembre 16, sa bias naman ng isang search warrant.

Nasagip naman sa naturang operasyon ang pitong Chinese nationals at isang babaeng Filipina na mga biktima ng human trafficking, kung saan sila ay inaalok sa mga high-end na hotel, casino, at club sa Parañaque, he added.

Sasampahan ang dalawa ng paglabag sa Republic Act (RA) No. 9208 at RA No. 10591.