PNP Chief sasampolan mga pulis na protektor ng POGO!

Nagbabala si Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Francisco Marbil sa kapulisan na paparusahan ang sinumang pulis na mahuhuling protektor ng mga illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ayon kay Marbil, mandato ng PNP na panatilihin ang kaayusan sa lipunan kaya naman mas magiging mapagmatyag ang ahensya na siguraduhing bawat pulis ay sumusunod sa kanilang mandato.

“Integrity and accountability are the cornerstones of our public service. We remain committed to ensuring that our officers uphold these values,” sabi no Marbil.

“This policy serves as a reminder: engage in illegal activities, and you will be dealt with accordingly,” dagdag niya.

Naging matagumpay ang pinaigting na inisyatibo ng kapulisan kontra ilegal na mga POGO sa bansa.

Kamakailan nga lang ay nahalughog nito, kasama ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ng Anti-Cybercrime Group (ACG), ang pasilidad ng ilegal POGO sa Porac, Pampanga.