PNP, BJMP, BFP pagsusuotin ‘light uniform’ dahil sa init

Para mabawasan ang init na nadarama dahil sa El Niño ay papayagan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na magsuot ng light uniform ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Bureau of Fire Protection (BFP).

Ayon kay Secretary Benjamin Abalos Jr., naglabas sila ng agarang abiso sa pagsusuot ng light uniform matapos mabalitaan na may isang opisyal na na-heat stroke.

“Dahil nga mainit, dangerous heat and index levels are quite high across the country, you are hereby directed to issue an urgent advisory for all PNP, BJMP and BFP personnel to wear light uniforms in the performance of their respective duties to alleviate discomfort and protect them from illnesses such as heat stroke, heat cramps, heat exhaustion among others due to extreme heat,” pahayag ni Abalos.

“May narinig kasi ako na parang may na-heat stroke na isang kasama natin. That’s why we have to issue this advisory,” dagdag pa nito.

Kamakailan ay nagbabala ang PAGASA ukol sa init na matatamasa sa Pilipinas na aabot sa dangerous heat index levels na 42 degrees hanggang 48 degrees Celsius.