PNP: Bilang ng index crimes, bumaba mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon

Bumaba ang bilang ng mga index crime na naitala sa unang siyam na buwan ngayong taon, ayon sa Philippine National Police (PNP)

Bumaba ng 8.8 porsyento ngayong taon ang index crimes na naitala ng Philippine National Police (PNP) sa unang siyam na buwan noong 2022.

Sa isang pahayag, sinabi ng PNP na bumaba ang bilang ng mga index crimes tulad ng rape, theft, at physical injury mula Enero hanggang Setyembre 2023 sa 26,044 na kaso kumpara sa 28,558 na naitala noong nakalipas na taon.

“I am pleased to see the continuing positive trends in our crime statistics. The decrease in crime rates reflects the hard work and dedication of our officers and the effectiveness of our police interventions and strategies,” ani PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr.

“However, we will not become complacent. We will continue to strive for even greater peace and security for the Filipino people,” dagdag pa ng opisyal.

Bumaba rin ang bilang ng mga kasong may kaugnayan sa murder, physical injury, rape, robbery, theft, and carnapping ng 8.79 porsyento sa unang siyam na buwan ngayong taon kumpara sa kaparehong panahon.

Ngunit tumaas naman ang bilang ng homicide ng 0.42 porsyento, ayon sa PNP.

Inutusan ni Acorda ang mga tauhan ng PNP na palakasin pa ang kampanya nito laban sa mga kriminal.

Hinikayat rin ng opisyal ang publiko na agad i-report ang anumang masasaksihan na krimen.