PM ng Thailand, bibisita sa Pilipinas ngayong taon

Posibleng bumisita sa bansa ngayong taon ang Prime Minister ng Thailand na si Srettha Thavisin.

Posibleng bumisita sa bansa ngayong taon ang Prime Minister ng Thailand na si Srettha Thavisin.

Ito ang inanunsyo ni Thai Foreign Minister Maris Sangiampongsa sa isang press conference sa Makati city.

Sinabi ni Sangiampongsa na naghahanda na ang dalawang bansa para sa byahe nito kasabay ng ika-75 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatic relationshio ng Pilipinas at Thailand.

Hindi naman nabanggit ng opisyal kung kelan at kung ano ang magiging agenda ng Prime Minister sa bansa, subalit ito raw ay parte ng series of high-level visits sa pagitan ng dalawang estado.

Samantala sinabi rin nitong bibisita sa Thailand ngayong taon si Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, para sa gaganaping 6th Joint Commission on Bilateral Cooperation o JCBC meeting.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Manalo na inaasahang magbibigay daan ang naturang meeting na palakasin ang bilateral relations at para mag review at explore ng bagong areas of cooperation.