Plano para sa populasyon ng bansa, inaprubahan ni PBBM

Aprubado na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang Philippine Population and Development Plan of Action (PPD-POA) for 2023 to 2028.

Aprubado na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang Philippine Population and Development Plan of Action (PPD-POA) for 2023 to 2028.

Kaugnay niyan, ipinalabas na ng pangulo kay Executive Secretary Lucas Bersamin ang Memorandum Circular 40 nitong Biyernes, Nobyembre 17.

“In accordance with their respective mandates, all concerned agencies and instrumentalities of the national government, including government owned and controlled corporations, are hereby directed, and all LGUs (local government units) are hereby encouraged, to undertake efforts in support of the implementation of the PPD-POA 2023-2028, and the plans and programs specified therein,” saad ng memo.

Layon ng PPD-POA 2023-2028 na tugunan ang mga isyu at problema sa populasyon upang mas mabilis makamit ng pamahalaan ang mga layunin nito para sa ekonomiya sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023–2028.

Pangungunahan ito ng Commission on Population and Development, na siyang naatasang magpatupad ng mga plan at programa para sa populasyon ng bansa.

Sa tulong rin ng PPD-POA 2023-2028, layon ng pamahalaang mas maintindihan ang epekto ng populasyon sa socioeconomic development ng bansa.