Pirmado na ang GAB bago mag-Pasko: PBBM, tiniyak na pipirmahan agad ang P5.768-trilyong national budget

Walang nakikitang problema si Pangulong Marcos sa panukalang P5.768-trilyong national budget, kung kaya't inaasahan niyang mapipirmahan niya ito agad sa oras na ibigay sa kaniya ang pinal na bersiyon nito.

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na agad niyang pipirmahan ang 2024 General Appropriations Bill (GAB) sa oras na matanggap niya ito. Aprubado na sa bicameral conference ang P5.768-trilyong national budget, na inilarawang “pro-poor” ni House Speaker Martin Romualdez.

“Wala pa ‘yatang report ang bicam. We’re waiting for that. So, they’re putting the finishing touches on it. Baka it will be submitted today or in the coming days,” ani Marcos sa isang panayam nitong Biyernes sa Muntinlupa. “But certainly, the minute it is finalized, we will immediately, of course, pass [the budget].”

BASAHIN RINPirma na lang ng pangulo: Aprubadong national budget para sa 2024, nakatuon sa pagtulong sa mga maralitang Pilipino—Romualdez

Dagdag ng pangulo, inaasahan niyang maipapasa ang GAB bago mag-Pasko, lalo’t wala aniya siyang nakikitang problema sa panukalang budget.

“We have been going through consultations through the whole of the year for that matter and I would be very surprised if there are other issues that will suddenly arise that we had not anticipated or hadn’t resolved. So, I don’t see any problem to that,” aniya.

Ang naturang budget ay nakabatay sa 8-Point Socioeconomic Agenda ng pamahalaang Marcos at mas mataas ng bahagya sa P5.268-trilyong budget nitong 2023.

BASAHIN RINPara sa Bagong Pilipinas! ‘Legacy projects’ ni PBBM, ipatutupad sa P5.768-trilyon national budget para sa 2024—Zaldy Co