Pinsala ni ‘Aghon’ lagpas P1 bilyon na

Lumagpas na sa P1B ang halaga ng pinsala ang tinamo ng sektor ng agrikultura at inprastraktura dulot ng Bagyong Aghon.

Lumagpas na sa P1B ang halaga ng pinsala ang tinamo ng sektor ng agrikultura at inprastraktura dulot ng Bagyong Aghon.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot sa P942.5 milyon ang nasira sa imprastraktura sa Calabarzon.

Habang ang pinsala naman sa agrikultura ay tinatayang nasa P85.6 milyon sa mga rehiyon ng Calabarzon at Mimaropa.

Samantala, ang kumpirmadong bilang ng mga namatay dulot ng naturang bagyo ay nasa sa anim. Lima mula sa Calabarzon at isa mula sa Northern Mindanao.