Pinsala ng El Niño sa Albay, Masbate pumalo sa P171-M

Umakyat na sa P171 milyon ang pinsalang dulot ng El Niño sa mga lalawigan ng Albay at Masbate, batay sa pagtataya ng Department of Agriculture (DA).

Umakyat na sa P171 milyon ang pinsalang dulot ng El Niño sa mga lalawigan ng Albay at Masbate, batay sa pagtataya ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Lovella Guarin ng DA-Bicol, P140.6 milyon ang pinsalang naitala sa lalawigan ng Masbate, habang P30.4 milyon naman sa Albay.

Sa dalawang lalawigan, 6,561,72 ektarya ng sakahan ng palay ang naapektuhan ng tagtuyot, kung saan 2,300 ektarya ang hindi na kayang sagipin pa. Tinatayang 8,000.53 metric tons ng palay ang nawala dahil dito.

Bukod sa tagtuyot, umaatake rin ang peste sa Bicol Region. Ayon sa Regional Crops Protection Center (RCPC), umabot sa 1,047 ektarya ng taniman ng palay at mais ang apektado ng iba’t-ibang klase ng peste.

“The regional agriculture office had extended assistance to the affected farmers by way of biological control agents if the infestation was still manageable and chemical pesticides if already in the advanced stage,” pahayag ni Guarin.