Pinsala ng El Niño sa agrikultura umabot na sa P1.2B

Abot sa P1.23 billion ang halaga ng pininsala ng El Niño pagdating sa agrikultura.

Abot sa P1.23 billion ang halaga ng pininsala ng El Niño pagdating sa agrikultura.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang may pinakamalalang tinamaan ay ang Western Visayas na may P678.7 million na agricultural damage.

Sinundan ito ng Mimaropa (P319.7M); Cagayan Valley (P180.4M); Ilocos (P54.4M); Calabarzon (P2.75M) at Zamboanga Peninsula (P717,527).

Sa kabuuan, 11.276.32 ektarya ng lupa ang dineklarang ‘totally damaged’. Ibig sabihin ay hindi na ito makakarekober sa epekto ng El Niño.

Habang 15,455.08 ang ‘partially damaged’ o may tsansa pa na mapakinabangan muli ng mga magsasaka.

Tinatayang nasa 29,409 na magsasaka at mangingisda ang lubhang naapektuhan ng El NIño.\