Pinsala ng El Niño sa agrikultura umaabot na ng P151M

Sa inilabas na El Niño bulletin, nasa 4,000 na magsasaka mula sa Western Visayas at Zamboanga Peninsula ang direktang naapekuhan ng tag-tuyot.

Umaabot na ng P151-milyong ang pinsala ng El Niño sa sektor ng agrikultura partikular sa taniman ng palay at mais.

Sa inilabas na El Niño bulletin, nasa 4,000 na magsasaka mula sa Western Visayas at Zamboanga Peninsula ang direktang naapekuhan ng tag-tuyot.

Pinangangambahan naman ang pagkalugi ng tinatayang nasa 6,618 na metriko tonelada ng palay at mais sa Iloilo, Antique, Negros Occidental at Zamboanga del Norte.

Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Spokesperson Arnel de Mesa na maituturing na minimal pa ang pinsala sa pananim at sinisikap ng kagawaran na mas mapaliit ang epekto nito sa sektor.”

“Overall, hindi pa naman siya ganon kalaki in terms of volume and amount pero siyempre gusto natin, minimal ang damage.There are mitigating measures that we could do to minimize the losses gawa ng El Niño,” ayon pa kay de Mesa.

Pagtitiyak pa ni de Mesa na hindi pa naman naaapektuhan ang supply ng bigas sa bansa.

Gayunman, nagbabala ang kagawaran laban sa mga hoarder na maaaring magsamantala sa sitwasyon. “Yung warning sa hoarding, nabanggit ni Sec. Kiko Laurel, just to caution yung mga gustong manamantala dahil may El Niño, gagamitin para mang hoard para mapataas ang presyo. Precautionary yan lalo pag dumating na yung harvest natin,” dagdag ni de Mesa.