Pinoys wala nang amor magbasa ng balita — study

Lima sa sampung Pilipino ang hindi na nagaganahan magbasa ng balita, ayon sa pag-aaral ng Reuters Institute Digital News Report (DNR).

Lima sa sampung Pilipino ang hindi na nagaganahan magbasa ng balita, ayon sa pag-aaral ng Reuters Institute Digital News Report (DNR).

Isinagawa ang pag-aaral mula January hanggang February ng taon kung saan lumabas na 47% ng mga Pilipino ang umiiwas na magbasa ng balita, 8% na mas mataas kumpara sa naitalang 39% global average.

Isa sa mga dahilan ng pagbaba ng nito ay lumilipat na ang mga Pinoy sa paggamit ng tradisyunal na media sa online media kung saan mas nagiging focus na ang mga tao sa paghahanap ng mga mapapanood at mababasang mga content sa Tiktok, Facebook, at iba pang social media platforms.

“This more complicated platform ecosystem, the end of mass referrals from legacy social media, and growing competition for attention means journalists and publishers will have to work much, much harder to earn the public’s attention, let alone convince them to pay for news,” sabi ni Reuters Institute director Rasmus Nielsen.

Lumabas din sa pag-aaral na kaya nanonood na lamang ng balita ang mga Pilipino ay dahil upang maging updated sa mga trend na nangyayari sa kanilang paligid.

Mayroon ding upang maging maalam sa mga bagay-bagay. Higit sa lahat, maraming Pilipino ang naghahanap ng “good news” o mga balitang magbibigay saya sa kanilang araw.