Pinoy seaman sa barkong binihag ng Iran, pinalaya na

Makakauwi na ng bansa ang isa sa apat na Pinoy seaman na sakay ng barkong binihag ng Iran, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Makakauwi na ng bansa ang isa sa apat na Pinoy seaman na sakay ng barkong binihag ng Iran, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

“The Philippines welcomes the good news that one of the four Filipino seamen at the MSC Aries has been released and is arriving home later today. We appreciate Iran’s gesture and the intercession of India in this matter,” pahayag ng DFA sa kanilang social media post ngayong Biyernes.

May tatlo pang Pinoy na sakay ang barkong MSC Aries, na pinasok ng mga pwersa ng Iran malapit sa Strait of Hormuz. Ang aksyon ay ganti ng Iran sa pag-atake ng Israel sa kanilang consulate sa Syria.

Umaasa naman ang DFA na agad na mapapauwi ang tatlo pang Pinoy na nasa MSC Aries.

“We hope for their eventual speedy return to their homes and families,” saad ng ahensya.

Nilinaw naman ni DFA Undersecretary for Migrant Affairs Eduardo de Vega na nasa maayos na kalagayan ang mga crew ng barko dahil ang sasakyang pandagat lamang ang habol ng mga Iranian.