Pinoy pride! Romualdez napabilib sa panalo ng Gilas Pilipinas vs World No. 6 Latvia

Pinalakpakan ni House Speaker Martin G. Romualdez ang Gilas Pilipinas nang magwagi ito kontra sa World No. 6 Latvia sa iskor na 89-80 sa 2024 FIBA Olympic Qualifying Tournament.

Pinalakpakan ni House Speaker Martin G. Romualdez ang Gilas Pilipinas nang magwagi ito kontra sa World No. 6 Latvia sa iskor na 89-80 sa 2024 FIBA Olympic Qualifying Tournament.

Saad ni Romualdez, patunay lamang ito sa galing at kakayahan ng atletang Pilipino na ipresenta ang sariling bansa sa mga international sport event scene.

“It is with great pride and heartfelt congratulations that I commend Gilas Pilipinas for their historic victory against Latvia in an official FIBA tournament. This triumph, ending a 64-year drought of wins against European teams, is glaring proof to the unwavering spirit, dedication and perseverance of our national basketball team,” sabi ni Romualdez.

Siniguro naman ni Romualdez na patuloy na nakasuporta ang Kongreso sa Gilas Pilipinas at iba pang mga atletang Pinoy sa pagpapanukala ng mga batas na makakatulong sa kapakanan ng kanilang komunidad.

“We are committed to providing the necessary resources and assistance to help our national team reach even greater heights. Whether through legislative measures or collaborative efforts with relevant organizations, we will ensure that our athletes receive the support they need to excel on the international stage,” dagdag niya.

Kasalukuyang ginaganap ang Olympic qualifying tournament ng FIBA sa Arena Riga sa Latvia. Ito ang unang pagkapanalo ng Pilipinas kontra sa anumang koponan mula sa Europe sa loob ng 64 na taon.

Target ng Gilas na masungkit ang upuan para sa papalapit na Paris Olympics.