Pinoy Olympians biniyayaan ng cash assistance ni Romualdez

Tumanggap ng dagdag na suportang pinansyal mula sa Tanggapan ni Speaker Martin Romualdez, ang dalawang Filipino gymnast na si Carlos Yulo at Levi Jung-Ruivivar, na lalahok sa Paris Olympics.

Tumanggap ng dagdag na suportang pinansyal mula sa Tanggapan ni Speaker Martin Romualdez, ang dalawang Filipino gymnast na si Carlos Yulo at Levi Jung-Ruivivar, na lalahok sa Paris Olympics.

Sa isang rites na ginanap sa House of Representatives, personal na inihandog ni Lemuel “Muel” Romero, Head Executive Assistant ng Tanggapan ng Speaker, ang cash assistance sa dalawang Pilipinong atleta.

“Every one of our athletes has shown remarkable dedication, resilience, and excellence, representing the Philippines on the world stage with immense pride and honor,” ani Speaker Romualdez sa kanyang mensahe kay Yulo, 24; at Ruivivar, 18.

Bagama’t hindi inilahad ang eksaktong halaga ng ibinigay na pabuya, ipinahayag ni Speaker Martin Romualdez na ang nasabing suporta ay higit pa sa isang karaniwang parangal.

“We are here to support you in every way possible, ensuring you have the resources needed to succeed in Paris,” dagdag pa ni Romualdez.

Ito ay sumunod sa pagpupulong na dinaluhan ni Romualdez noong ika-22 ng Mayo kasama ng isang delegasyon ng mga atleta na papunta sa Paris, kung saan nagbigay din siya ng tulong pinansyal sa iba pang miyembro ng Olympic delegation, kabilang ang mga weightlifter at rower.

Ipinahayag ni Romualdez ang kaniyang malaking pagbibigay-pugay sa tindi ng pagsusumikap at inspirational na paglalakbay ng mga atleta.