Pinoy namatay sa vape, Garin naalarma!

Nabahala si Iloilo 1st district Rep. at former Department of Health (DOH) secretary Janette Garin sa unang naitalang kaso ng pagkamatay mula sa vape sa bansa.

Nabahala si Iloilo 1st district Rep. at former Department of Health (DOH) secretary Janette Garin sa unang naitalang kaso ng pagkamatay mula sa vape sa bansa.

Dahil dito, nagbabala ang mambabatas sa mga gumagamit ng vape na maging responsable sa paghipak at maging maalam sa maaaring epekto ng paggamit nito.

“This should serve as an eye opener to the public, especially to the youth. Using of vape have its harmful effects and can be deadly,” sabi ni Garin.

“It is alarming. We have seen reports that children ages 13 years old are already using e-cigarette and vapes,” dagdag niya.

Aniya, hindi alternatibo ang vaping sa pagsisigarilyo dahil hindi ito ligtas na gamitin.

Ang sinumang gumagamit ng vape ay maaaring may EVALI o E-cigarette, or Vaping, product use Associated Lung Injury na isang kondisyon may kinalaman sa pagkasira ng baga.

Na-report ng DOH ang unang death case ng vaping matapos mamatay ang isang bente dos anyos na lalaki mula sa heart attack bunga ng severe lung injury dahil sa vaping.